Tinatayang aabot na sa P89-bilyon ang naipalabas na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) mula sa P140-bilyong appropriations act ng Bayanihan 2.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mayroon na lang silang hinihintay na clearance mula sa Office of the President (OP) para mailabas na ang natitirang pondo para sa additional capital infusion ng Landbank, Development Bank of the Philippines at sa PhilGuarantee.
Sa oras na maibigay na aniya nila sa mga ahensyang ito ang kanilang mga requested fund ay makukumpleto na aniya ng DBM ang pagre-release ng P140 bilyon sa ilalim ng Bayanihan 2.
Sa kasalukuyan, halos lahat na aniya ng mga naka-allocate na pondo para sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ay nailabas at naipamahagi na aniya ng DBM.