Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya, mahal sa buhay at katrabaho ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Dante Jimenez na namatay dahil sa aortic aneurysm kagabi.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ginugol ni Jimenez ang kanyang buhay sa pagsusulong ng patas at mapayapang lipunan sa pamamagitan ng paglaban sa kriminalidad at korupsyon.
Ayon kay Sec. Roque, naniwala at sinuportahan ni Jimenez ang centerpiece program ni Pangulong Rodrigo Duterte na kampanya laban sa iligal na droga, krimen at korupsyon.
“PACC Chair Jimenez spent most of his productive life advocating a just and peaceful society for Filipinos by fighting criminality and corruption. He believed and shared President Rodrigo Roa Duterte’s centerpiece program, which is, the campaign against illegal drugs, crime and corruption, and had served the Duterte Administration as Chair of PACC and Co-Chair of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). He would be dearly missed,” ani Sec. Roque. “May the perpetual light shine upon him, and may the soul of Mr. Jimenez rest in eternal peace.”