-- Advertisements --
Ikinalungkot ng Malacañang ang resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumalabas na 48 percent ng mga Pilipino o katumbas ng 12 milyong mga Pilipino ang nagsabi na mahirap sila.
Sinabi no Presidential Spokesman Harry Roque, epekto ito ng nagpapatuloy na lockdown at mga community quarantine dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Sec. Roque, sa oras na maging available na ang bakuna laban sa COVID-19, babalik na rin sa normal ang buhay.
Inihayag ni Sec. Roque na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat para maibigay ang bakuna sa mga Pilipino kahit pa ano ang presyo ng mga ito, lalo ito lamang ang tutuldok sa pandemiya.
Sa oras umanong makabalik na ang lahat sa hanapbuhay, bababa na rin ang antas ng kahirapan.