-- Advertisements --
Hinikayat ng Malacañang ang publiko na maging kalmado at vigilante matapos ang pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa ilang bahagi ng Luzon.
Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na dapat iwasan din ang pagpakalat ng mga impormasyon sa social media na magdudulot lamang ng takot sa maraming tao.
Mahalaga sa ganitong panahon ay ang bayanihan sa bawat isa.
Tiniyak din nito na patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga first responders gaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, PNP, Office of Civil Defense at mga apektadong Local Government Units para malaman ang kanilang kalagayan.