-- Advertisements --

Pinapatingnan ng Malacañang sa Commission on Elections (COMELEC) ang nai-report na mahigit 1-milyong overvotes o mga bumotong sobra sa 12 kandidato sa pagka-senador.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaki rin ang magiging diperensya sa resulta ng botohan kung mabibilang ang higit 1-milyong boto noon.

Magugunitang sa ilalim ng COMELEC rules, void o hindi na mabibilang ang boto ng isang indibidwal kung lagpas na ito sa itinakdang bilang.

Ayon kay Sec. Panelo, posibleng hindi raw alam ng publiko ang kaugnay sa overvoting.

Inihayag ni Sec. Panelo na dapat paigtinging pa ng komisyon ang pagpapaunawa sa publiko na mas mabuting mag-undervote kaysa overvoting.

“Kulang anag kampanya nila at the same time dagdagan nila kasi sayang e, there should be a way,” ani Sec. Panelo.

Batay sa partial and unofficial data mula sa COMELEC, ilang daang libong boto lang ang pagitan nina Bong Revilla, Koko Pimentel, Nancy Binay, JV Ejercito at Bam Aquino na naglalaban-laban sa ika-10 hanggang ika-12 pwesto sa Senado.