-- Advertisements --

Iginiit ng Malacañang na may posibilidad umanong bumalik sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mangyayari raw ito sakaling pumalo sa 85,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa Hulyo 30.

Sang-ayon kasi sa pinakabagong prediksyon ng mga eksperto sa University of the Philippines (UP), maaari raw maabot ng Pilipinas ang ganitong bilang.

Nagbabala na rin noon ang mga economic officials na hindi na raw kakayanin pa ng bansa ang panibagong lockdonw bunsod ng epekto nito sa ekonomiya.

Pero sinabi ni Roque, ito raw ang nararapat na gawin kung kinakailangan at kung wala nang alternatibo para rito.

Kaya naman, patuloy ang apela ng kalihim sa publiko na sundin ang ipinatutupad na mga health protocols para hindi na kumalat pa ang virus.