-- Advertisements --

Binuksan ang Palasyo Malacañang para sa mamamayang Pilipino sa pagkakataong ito sa buong 9 na tradisyunal na Simbang gabi.

Ang pagbubukas ng pintuan ng Malacañang ngayong holiday season ay bilang gesture sa pagdiriwang ng tradisyon ng mga Pilipino na pag-welcome sa mga panauhin ngayong kapaskuhan at pagimbita sa mga kamag-anak, kapitbahay at kaibigan sa mga festive gatherings.

Ayon sa bagong talagang Presidential Assistant na si Cesar Chavez, nag-transform ang Presidential palace hindi lamang bilang lugar ng kasiyahan ngayong Pasko kundi lugar din para sa pagsasabuhay ng pananampalataya.

Sinabi pa nito na ang pagbubukas ng Palasyo ngayong Pasko ay paraan ng Pangulo ng pagpapahayag na siya ay pansamantalang caretaker lamang ng Malacanang kundi ito ay pagmamay-ari ng taumbayan. – EVERLY RICO