-- Advertisements --
Idineklara ng Palasyo ng Malacañang ang Marso 18 bilang special non-working holiday sa Masbate para sa pag-marka ng ika-122 founding anniversary ng probinsiya.
Nilagdaan noong Pebrero 23 ang holiday declaration ni Executive Secretary Lucas Bersamin at inilabas sa social media ng Masbate Provincial Information Office noong Miyerkules.
Nakasaad sa Proclamation No. 163 na marapat na mabigyan ng oportunidad ang mamamayan ng probinsiya ng Masbate para makapag-diwang at makilahok sa okasyon na may mga isinasagawang seremoniya.
Matatandaan na opisyal na idineklara ng Philippine Commission Act 105 ang paglikha ng Masbate province noong Marso 18, taong 1901 na pinamunuan ni Bonifacio Serrano na siyang unang civil governor ng lalawigan.