-- Advertisements --
image 572

Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañangang ang pagbibitiw ni Sugar Regulatory Administration (SRA) chief David Thaddeus Alba.

Ayon sa Presidential Communications office (PCO), ipinaalam na ni Alba kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang kaniyang resignation noong gabi ng Miyerkules.

Paliwanag ng PCO na sinubukang himukin ni ES Bersamin si Alba na huwag magbitiw subalit sinabi umano ni Alba na ang kaniyang lumalalang health condition ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw.

Aniya, pagkatanggap ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay magiging epektibo ito sa Abril 15 para paghandaan ang pagtatalaga sa kaniyang kapalit.

Nang matanong naman si SRA board member Pablo Luis Azcona kung may kinalaman sa kontrobersiyal na importasyon ng 400,000 metrikong tonelada ng asukal ang pagbibitiw ni Alba, aniya ang tanging alam lamang niya ay ang mayroon itong problema sa kaniyang blood pressure.

Una ng itinalaga ni Pangulong Marcos si Alba noong Agosto 2022 kasunod ng pagbibitiw noon ni dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica sa gitna ng kontrobersyal na issuance ng Sugar Order No.4 nagootorisado sa importasyon ng 300,000 MT ng asukal.

Kalaunan, inaprubahan naman ni Alba ang pag-isyu ng clearances sa 440,000 MT ng asukal na inangkat kasunod ng memorandum mula kay DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na nagaatas kay Alba na i-certify ang legalidad ng outsourced sweetener.

Subalit ipinag-utos ni Senator Risa Hontiveros ang agad na pagkumpiska sa iligal na inangkat na mga asukal at ilagay sa blacklist ang mga importer nito.

Hinimok din ng Senadora ang Senate Blue Ribbon panel na imbestigahan ang importasyon ng nasabing mga asukal na inilarawan ng mambabatas bilang government sponsored sugar smuggling.