LA UNION – Sinuspende na ng Malacañang ang klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan at trabaho sa gobyerno simula ngayong araw, Nobyembre 13 dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Ulysses.
Kabilang dito ang Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region at Cordillera Administrative Region.
Sa mga kompanya naman na may kaugnayan sa health services, preparedness/response of calamities, at ibang trabaho ay mapapatuloy ang kanilang serbisyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bahala na ang mga nasa pribadong kumpanya at paaralan kung magpapatuloy ang operasyon ng mga ito.
Hinimok ng Malacañang ang publiko ma manatili sa kanilang mga tahanan at patuloy na imonitor ang kalagayan ng panahon at anunyso ng gobyerno.