Patok sa mga mahihilig sa kasaysayan at sa mga estudyante ang orihinal na palasyo ni Emperor Nero na binuksan na sa publiko sa Roma.
Inabot din ng 10 taon ang restoration ng lugar na nasira ng husto bunsod ng pagkasunog na tinaguriang “Great Fire of Rome.”
Ang building ay nabuo muli sa pamamagitan ng dalawang video installations at may 3D virtual reality experience.
“The visitor will experience, both in person and through virtual reality, the emperor’s architectural genius and experimentation in marble and pictorial decorations,” ani Alfonsina Russo, ang Colosseum archaeological park’s director na nalathala sa artdaily.
Ang ruins ng “Domus Transitoria” na dating puno ng dekorasyon at napapalamutian ng mga gintong dahon, mamahaling mga bato at “mother of pearl” ay kalapit lamang ng “well-preserved 50-seat latrine” na ginagamit daw noon ng mga builders at slaves.
Maaari namang mabisita ang ruins mula Biyernes hanggang Lunes ng limitadong grupo na kabuuang 12 lamang sa bawat pasok sa lugar.
Kung ipapaala si Nero ay descendant umano ni Aeneas ang legendary hero ng Trojan War.
Ang kisame ng palasyo ni Nero ay makikita rin ang mythical scenes mula sa Trojan War, kung saan ang iba ay naka-display sa Palatine Museum sa kanugnog na kwarto.
Ayon sa mga archaeologists ang palasyo ay dinesenyo para pahingahan ni Nero tuwing matindi ang init ng summer.
Paborito raw upuan ni Nero ang marble throne na kaharapan ang maraming mga fountains.
Batay pa sa kwento ang emperor ay nag-suicide habang palapit na sa kanya ang pagsalakay ng mga kaaway.