-- Advertisements --

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi National Holiday bukas, Lunes, January 27, 2025 kundi Muslim holiday sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ginawa ni Bersamin ang paglilinaw kasunod ng kumakalat na post sa social media na idiniklarang National Holiday bukas.

Sa isang mensahe na ipinadala ni Bersamin kaniyang sinabi na ang mga kapatid nating Muslim na nasa ibang lugar gaya dito sa National Capital Region na hindi holiday ay exempted sa pagpasok sa trabaho.

Bukas ginugunita ng Muslim community ang Al Isra Wal Mi’raj 2025.

Ito ay isang sagradong aktibidad na nagmamarka ng mahimalang paglalakbay at pag-akyat ni Prophet Muhammad patungo sa langit.

” Not a National Holiday, but a Muslim holiday only in BARMM and other Muslim areas defined in the Muslim Code. Muslims on other areas where it is not observed as a holiday such as NCR are excused from reporting for work,” mensahe ni ES Lucas Bersamin.