-- Advertisements --
Walang magiging problema kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng pagbabalik ng mga basura mula sa Canada.
Kasunod ito ng pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maaantala ang pagbabalik ng 60 container vans ng basura dahil sa hindi nahabol ng Canada ang ilang kailangan na dokumento.
Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, basta kaunting delay lamang ay maaari nilang palampasin ito.
Ang mahalaga aniya ay handang tanggapin ng Canada ang kanilang basura.
Nauna rito binigyan ng Pangulo ang Canada na kunin nila ang mga basurang ipinadala sa bansa ng hanggang Mayo 15.