Wala umanong nakikitang mali ang Malacañang sa pagtuturo ng isang subject kaugnay sa Martial Law sa mga estudyante ng University of the Philippines (UP) – Diliman.
Magugunitang nai-report sa isang pahayagan na sa susunod na semestre, maaari nang mag-enrol ang mga estudyante sa ilalim ng General Education (GE) subject na Philippine Studies 21 o ang Wika, Kultura at Panitikan sa Ilalim ng Batas Militar sa Pilipinas.
Sang-ayon sa ilang proponents ng GE subject, hindi lang batas militar sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang sakop ng pag-aaralan.
Tatalakayin din umano ang iba’t ibang mukha ng Martial Law kabilang na ang naganap sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo at ang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ni Sec. Panelo na mabuti ito dahil dapat lang natuturan ang mga estudyente ng lahat ng kaugnay sa pamamahala ng gobyerno.