Pina-iimbestigahan na ng Malakanyang ang ulat kaugnay sa umanoy donasyon ng mga chinese spies Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Palace Press Officer, USec Claire Castro, nais makita ng Palasyo ang kabuuang detalye ng report na diumano may mga donasyong motorsiklo sa pambansang pulisya ang ilang grupo ng umano’y ng Chinese spies.
Nais mabatid ng Palasyo kung ang nasabing donasyon ay ginawa in-good faith.
Sinabi ng opisyal na hindi masamang tumanggap ng donasyon, tulad ng natanggap aniyang mga ambulansiya noon ni dating Davao city at ngayon ay Vice President Sara Duterte para sa mga taga Davao sa kasagsagan ng pandemya ng Covid 19.
Paglilinaw ni Castro, kung may ibang dahilan ng pagdo donate, kailangan itong maibestigahan upang hindi na maulit at para hindi rin naman nagagamit ang alinmang ahensiya ng gobyerno sa interes ng ilang grupo.
Pagtiyak ni Castro na hindi hahayaan ni Pang. Marcos na hindi nagagawa ng PNP ang kanilang trabaho dahil lamang may mga padrino.
Sa ngayon nag-sasagawa na ng imbestigasyon ang PNP ukol dito batay sa naging direktiba ni PNP Chief Rommel Marbil.