-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Palasyo ang rekomendasyon ni House Minority Leader Bienvinido Abante Jr ang four day work-week.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, na lahat ng mga rekomendasyon mula sa iba’t-ibang departamento ay kanilang ini-evaluate.

Nauna rito sinabi ng mambabatas na napapanahon na para magkaroon ng apat na araw na pasukan ng gobyerno para maibsan ang trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Malaki aniyang maitutulong ito sa ekonomiya ng bansa.