-- Advertisements --
Kumbinsido ang Malacañang na kailangan nang i-review ng Commission on Elections (COMELEC) ang kontrata nito sa Smartmatic matapos na maitala ang maraming aberya sa nakalipas na halalan.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo, dapat turuan ng leksyon ang Smartmatic dahil sa dami nang sablay nito sa pagpapatupad ng automated election partikular sa vote-counting machines (VCMs).
Dapat din aniyang ipaliwanag nang maayos ng Smartmatic ang dahilan ng mga aberya sa VCMs dahil kung hindi, ay puwede itong sampahan ng asunto.
Iminungkahi naman ni Sec. Panelo ang pagkakaroon ng regular testing sa mga VCMs para matiyak gumagana ito sa oras na muli itong gamitin.