-- Advertisements --
Kinontra ng Malakanyang ang akusasyon ni Davao City Mayor Baste Duterte na sini-single out umano ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si dating Pang. Rodrigo Duterte at ang pamilya nito.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na ang dating Pangulo lang ang subject ng arrest warrant ng International Criminal Court na idinaan sa Interpol.
Tanong ni Castro sa alkalde, gusto ba nito na mas marami pang madamay?
Naniniwala ang Palasyo na paraan na naman ito ng mga Duterte para palabasin sa taumbayan na kawawa sila.
Pero muling paalala ni Castro, ang kaso ng dating Pangulo ay naisampa noong pang panahon ng kanyang panunungkulan kaya walang kinalaman dito ang administrasyong Marcos.