-- Advertisements --

Pinayuhan ng Malacañang ang mga local government units na magpatupad ng granular lockdowns kapag tumataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson Karlo Nograles, na ito dapat ang gawin ng mga LGU para hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Maaari itong isagawa sa mga kabahayan, bawat magkakapitgbahay, purok level, community level at maging ang barangay levels.

Naniniwala si Nograles na kaya bahagyang tumataas muli ang kaso ng COVID-19 ay dahil sa mga isinagawang pagtitipon ngayong holiday.

Hinikayat niya ang mga mamamayan na dapat panatilihin pa rin ang mga ipinapatupad na health protocols.