-- Advertisements --
Wala umanong karapatan ang singer at actress na si Bette Midler na batikusin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa kanilang bansa lamang daw ito puwedeng bumatikos bilang karapatan sa malayang pamamahayag.
Hindi rin aniya alam ng actress ang kaniyang pinagsasabi dahil hindi niya personal na kilala ang Pangulo.
Reaksyon ito ng Palasyo sa naging Tweet message ni Midler na isinama si Duterte sa listahan ng mga diktador habang tinatalakay ang impeachment hearing ni US President Donald Trump.
Hindi lamang ito ang unang beses na binatikos ni Midler ang Pangulo dahil noong 2017 ay tinawag na murderous dictator ang Pangulo ng mag-alay ng kanta si Trump sa 31st ASEAN Summit gala dinner.