Pinaninidigan ng Malacañang ang pag-veto o pagtapyas ni Pangulong Rodrigo Duterte ng nasa P93.5 billion na line items sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) budget.
Ginawa ng Malacañang ang pagdepensa sa harap ng reklamo ng ilang kongresista na makakaapekto raw sa proyekto sa kanilang distrito ang hindi pag-apruba ni Pangulong Duterte sa ilang bahagi ng budget.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman puwedeng aprubahan ang mga ang vetoed items dahil maituturing itong paglabag sa Konstitusyon.
Ayon kay Sec. Panelo, hindi naman nito maapektuhan ang mga proyekto sa distrito dahil tiyak natukoy na ng DPWH ang priority projects nila sa bawat lugar.
Kumpiyansa naman ang Malacañang na tuloy pa rin ang suporta ng mga kongresista sa mga kinakailangang ipasang batas ng Duterte administration.
Idinagdag pa ni Sec. Panelo na mag-iiba naman ang komposisyon sa Kongreso dahil mapapalitan na rin ang ilang nakaupo matapos ang May 2019 elections.