Hinikayat ng Malacañang ang gobyerno ng China na magsagawa ng kaukulang imbestigasyon kaugnay sa naganap na banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at bangka ng mga Pilipinong mangingisda.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat maparusahan ang mga sangkot na Chinese crew lalo sa ginawang pag-abandona sa 22 mangingisdang Pilipino na palutang-lutang matapos mawasak ang kanilang bangka.
Ayon kay Sec. Panelo, ang mga ahensya ng gobyerno ay agad tumugon sa sitwasyon at nagbibigay na ng tulong sa mga Filipino crewmen na nailigtas sa nasabing nakakalungkot na pangyayari.
Una nang ikinagalit at tinawag ng Malacañang na “barbaric,” hindi makatao, gawain ng hindi sibilisado at paglabag sa maritime protocols ang pag-abandona ng mga Chinese crew sa mga Pilipinong sakay ng nabangga at nawasak na bangka sa West Philippine Sea.
“We call on the appropriate Chinese authorities to probe the collision and impose the proper sanctions to the Chinese crew,” ani Sec. Panelo.
“Concerned agencies of the government have immediately responded to the situation. They are now providing assistance to the Filipino crewmen who were rescued from this unfortunate incident.”