-- Advertisements --

Mistulang binabangungot na umano si CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) founding chairman Jose Maria “Joma” Sison.

Pahayag ito ng Malacañang matapos sabihin ni Sison na sinusuhulan ng China si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang statement, inihayag ni Sison na hawak daw ng China sa bayag si Duterte at alam naman umano ng publiko na nakinabang ng malaki ang pangulo kasama ang kanyang “cronies” sa mga kwestiyonableng deals sa China.

Kabilang dito ang mataas na interest loans, overpriced na infrastructure projects, oil and gas exploration, telco contract, casinos at tourism projects at iba pa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nila alam kung anu-anong sinasabi ni Sison na suhol mula sa China.

Kung maaalala, matagal nang nagpapalitan ng mga patutsada sina Sison at Pangulong Duterte kasunod ng mga umano’y patuloy na pag-atake ng mga rebeldeng komunista laban sa gobyerno habang nagpapatuloy ang peace talks.

“Not only misplaced, he’s absolutely false. What bribery is he talking about? He must be having nightmares,” ani Sec. Panelo.