Inatasan ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) na gumawa ng hakbang para marekober ang P60 million na ad placement payment na ibinayad ng Department of Tourism (DOT) sa Bitag Media ni Ben Tulfo, kapatid ni dating Tourism Sec. Wanda Teo.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat may gagawin rito ang DOJ matapos tumanggi si Tulfo na ibalik ang nasabing pera sa transaksyong kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA).
Ayon kay Sec. Panelo, kailangang maipatupad ang batas kahit sino ang sangkot o tatamaan dahil walang “sacred cows” sa gobyerno, kabigan man o kaalyado.
Bahala na daw ang DOJ kung kailan nila maipapabalik ang P60 million mula kay Tulfo.
“The Palace always wants that laws are not only enforced but are obeyed to its fullest extent. As we said there are no sacred cows in this government, friends or allies,†ani Sec. Panelo.