-- Advertisements --
Pinaninindigan ng Malacañang ang claims ng Pilipinas sa pinagtatalunang Sabah.
Ang Sabah ay isang teritoryong idineklarang parte ng Malaysian Federation taong 1963.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, matagal nang idinedeklara ng bansa, kahit pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na may pagmamay-ari tayo sa Sabah.
Taliwas ito sa sinabi ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa isang interview kaninang umaga na hindi claimant ang Pilipinas.
Sa kabila naman ng pagkakaiba ng mga pahayag, inihayag ni Sec Panelo na hindi parte ng agenda ng pulong ng prime minister at ni Pangulong Duterte ang isyung ito.