Itinuturing ng Malacañang na “thing of the past” o kasaysayan na ang mataas na inflation rate sa bansa matapos maitala ang 2.7% inflation nitong Hunyo na pinakamababang naitala ng local statistics simula 2017.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, gaya ng pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang downward trend ng inflation ay resulta ng pagbaba ng presyo ng bigas dahil sa Rice Tariffication Act, pagbaba ng presyo ng langis at mga pangunahing produkto.
Ayon kay Sec. Panelo, pinupuri nila ang mga economic managers ng bansa sa magandang development na ito, gayundin ang mga mambabatas sa nagdaang Kongreso sa pagsuporta sa Republic Act No. 11203.
Kasabay nito, may hirit naman si Sec. Panelo sa mga kritiko ng Duterte administration kung nasaan daw sila ngayon at tahimik na wala man lang papuri sa mga economic managers at kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa naitalang record-low na inflation rate.
“Soaring infation has been slayed. It is now a thing of the past. The Palace is pleased with inflation easing to 2.7% in June 2019, considered the lowest rate recorded by local statisticians since September 2017,” ani Sec. Panelo.