Mananaig ang batas kaugnay sa nagpapatuloy na pananalakay ng PNP sa headquarters ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin dapat ipatupad ang batas laban kay Pastor Quiboloy dahil may mga kaso siyang dapat sagutin.
Nilinaw din ng Palasyo na hindi politically motivated ang hakbang ng PNP laban kay Quiboloy.
Ang isyu kay Quiboloy ay walang kaugnayan sa pulitika dahil siya ay nahaharap sa patong patong na kaso.
Tumanggi naman si Bersamin na magbigay ng Komento kaugnay sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na humihingi ito ng tawad sa mga miyembro ng KOJC na kaniyang hinikayat na iboto si Pang. Ferdinand Marcos Jr nuong nagdaang presidential elections.
” The law must take its course. He is answerable to the law, the law must take its course. Meron namang process dyan,” pahayag ni ES Bersamin.