-- Advertisements --

Sariling opinyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang kaniyang binitawan kaugnay sa kontrobersiyal na Senate Bill No. 1979. Ito ang paglilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sinabi ni Bersamin ang pahayag ng Pangulo tungkol sa pagtutol nito sa pagtuturo ng “masturbation” ay personal niyang opinyon bilang isang magulang.

Ipinaliwanag din ni Bersamin na karaniwan lang ang pagiging broad ng mga salita, kaya kahit itinatanggi ni Hontiveros na walang kinalaman sa pagtuturo ng masturbation ang kanyang orihinal na panukala, posibleng ganito ang connotation ng nabasa ng Presidente.

Nagbigay din ng personal na opinyon si Bersamin tungkol sa panukala, at bilang head of the family, tutol siya sa SB 1979. 

Pero nilinaw niyang hindi ito nangangahulugan ng paghuhusga sa panukalang batas.