Naghayag nang suporta ang MalacaƱang kay Filipino Olympian Ernest John (EJ) Obiena.
Ito ay kahit na nagdesisyon ang Philippine Athletics Track and Field Association’s (PATAFA) na tanggalin siya mula sa national team.
Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles na suportado ng gobyerno ang lahat ng mga national athletes ng bansa at umaasa ito na anumang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ni Obiena at ang PATAFA ay maplantsa na.
Dagdag pa nito na kanila ng ipinadala sa Philippine Sports Commission at Commission on Audit ang mga dokumento kung saan hinihintay na lamang nila ang gagawing imbestigasyon.
Magugunitang inakusahan ng PATAFA si Obiena na nameke umano ng mga liquidation sa bayad nito sa kaniyang coach.
Inamin naman ng 25-anyos na si Obiena na naantala lamang ang pagbabayad dahil sa pagiging abala nito sa mga ensayo para sa mga torneyo.
Dahil dito, inirekomenda ng PATAFA na matanggal sa listahan ng mga national athletes si Obiena.