-- Advertisements --

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi papabayaan ng gobyerno ang mga Filipino na nahuli sa Qatar dahil sa pagdalo ng rally bilang pagdiriwang sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo duterte na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro nang malaman ng embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE) na may 19 na Pinoy ang nahuli ay kaagad itong nagpadala ng Labor Attache para tulungan ang mga nasabing Filipino.

Giit ni Castro hindi mag aatubili ang pamahalaan na tulungan ang ating mga kababayan na nahaharap sa legal battle duon.

Sinabi ng Opisyal na obligasyon ng gobyerno na tulungan ang ating mga kababayan anuman ang kanilang kulay o anuman ang kanilang mga paninindigan.

Siniguro din ng Malakanyang na mabibigyan ng care package ang mga Pinoy na nahuli sa Quatar dahil sa iligal na pagtitipon.

Samantala, iniulat naman ng Department of Foreign Affairs na apat sa 20 na nahuli sa Quatar ay pinalaya na habang nanatiling nakakulong ang 16 na posibleng makulong hanggang tatlong taon.

” Obligasyon pa rin po ng ating pamahalaan, ng administrasyon, ang mga Pilipino anuman po ang kulay nila, wala po tayong sinisino, wala po tayong discrimination patungkol po diyan. Basta po kapuwa Pilipino ay tutulungan po iyan ng administrasyon,” pahayag ni USec. Claire Castro.