-- Advertisements --
Kumpiyansa ang Malacañang sa kapasidad ng Department of Agriculture (DA) para pangasiwaan at makontrol ang pagkalat ng African swine flu (ASF) ngayong kumpirmadong nakapasok na ito sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naniniwala sila sa kakayahan ni Agriculture Sec. William Dar para magpatupad ng mga kaukulang measures para hindi na kumalat pa ang ASF.
Ayon kay Sec. Panelo, tiyak niyang may ginagawa ng aksyon ang nasabing ahensya para tugunan ang anumang posibleng peligrong maidulot ng virus na kumakapit sa mga alagang baboy.
Sa ngayon, ligtas daw kumain ng baboy lalo’t ipinakita pa nina Sec. Dar at Health Sec. Francisco Duque III sa isang boodle fight sa DA ang pagkain ng karne ng baboy.