-- Advertisements --
Kumpiyansa ang Malacañang na makakalusot sa Commission on Appointments (CA) ang bagong talagang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na si dating Budget Sec. Benjamin Diokno.
Pahayag ito ng Malacañang sa kabila ng mga alegasyong ibinabato laban kay Diokno, partikular na ang usapin sa budget insertion.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na naniniwala silang makukumbinsi ni Diokno ang mga miyembro ng CA dahil sa galing, expertise at integridad nito.
Ayon kay Sec. Panelo, patunay ang pagpili ng pangulo kay Diokno sa hindi nito paniniwala sa mga akusasyon sa dating Budget secretary.
Iginiit pa ng Presidential spokesman, walang katotohanan ang mga bintang kay Diokno at wala rin namang naniwala sa mga alegasyong ito.