-- Advertisements --

Dumistansiya ang Malakanyang hinggil sa hindi pag endorso ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang kapatid na si Sen. Imee Marcos sa ginanap na rally ng Alyansa nitong weekend.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, hindi pa nakapag uusap sina Pangulong Marcos at kapatid nitong si Senador Imee Marcos, matapos ang pagdinig sa senado, kaugnay ng pag aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami kasi ang nakapansin na hindi binanggit ni Pangulong Marcos sa rally ang kaniyang kapatid na senador nang iendorso nito sa dalawang magkasunod na rali ng alyansa para sa bagong pilipinas sa Cavite at Laguna ang mga pambato na senatorial line up ng administrasyon.

Ayon kay Castro, hintayin na lamang ang mga susunod na rali kung saan laging nagsasalita ang pangulo para malaman aniya kung ano ang ibig sabihin nito.

Sa nagdaan kasing rali ng partido ng administrasyon, ipinakilala isa isa ni pangulong marcos ang kanilang mga senatoriable na labing isa, subaliit hindi binanggit ang pangalan ng kapatid.