-- Advertisements --
salvador sal panelo palace
Sec. Panelo

Humihiling pa ang Malacañang ng mas mahabang pasensya mula sa mga guro kaugnay sa inaasahan nilang dagdag sahod.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa natanggap niyang impormasyon mula kay Education Sec. Leonor Briones, kung magpapatupad ng P10,000 dagdag sahod sa mga pampublikong guro sa buong bansa, kakailanganin ng pamahalaan ng nasa P150 billion para rito.

Magugunitang nasa P10,000 kada buwan ang hinihinging dagdag ng mga guro para umano makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ayon kay Sec. Panelo, malaki ang kakailanganing halaga kaya ginagawa talaga ng gobyerno lalo ng mga economic managers ng paraan para makahanap ng mapaghuhugutan nito.

Tinitiyak naman ng Malacañang na nananatiling committed si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtupad sa pangako nitong dagdag sahod sa mga guro.