Hahayaan umano si Vice President (VP) Leni Robredo na gawin ang kanyang trabaho bilang drug czar.
Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng tinuran ni VP Robredo na magpapatuloy ang anti-drug war pero dapat “zero killings” o walang mangyayaring patayan.
Sinabi ni Sec. Panelo, kung sasama si VP Robredo sa mga gagawing police operations ay makikita nito ang realidad sa ground at dito na bubuo ng plano kung paano magtatagumpay sa trabaho.
Kaya sa ngayon ay huwag aniya pangunahan si VP Robredo at hayaang dumiskarte paano labanan ang iligal na droga.
“Let her do her job. When she joins the raid and the police operations, she will be exposed to the realities on the ground. After that she will plan how to succeed in her job. Give her space,” ani Sec. Panelo.