Kinilala ang Palawan bilang pang-apat sa pinaka trending na destination para sa mga turista sa 2024 Travelers’ Choice Award Best of the Best Destination ng isang sa pinaka malaking travel platform company.
Inilarawan ng The Travelers’ Choice Award ang Palawan na “a slice of heaven” dahil sa exoctic wildlife, magagandang lugar palaisdaan, at magagandang lagoon sa El Nido.
Isa rin sa isinaalalang-alang ng mga nagbigay ng review sa lugar ay ang pagiging UNESCO World Heritage Site ng Palawan.
Sinabi ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco na patunay ang rekognisyon sa Palawan sa hindi lumilipas na ganda ng Palawan.
Malaking tulong din aniya ang parangal para makapukaw ng sa mas marami pang turista para dumayo sa lugar.
“We could not be more grateful to the travel community for placing Palawan at the forefront of global travel trends. This singular achievement motivates us to maintain our commitment to sustainable tourism and showcase the beauty of Palawan to the world,” wika ni Frasco.
Nangunguna naman sa pwesto ang Tokyo sa Taiwan, na sinundan ng Seoul sa South Korea, at Halong Bay sa Vietnam.
Isang porsyento lamang ng kabuoang listahan ang 25 na kinilalang tourist spots ng travel platform.
Ibinase ang pagbibigay ng parangal sa mga nakolektang reviews ng mga travellers sa loob ng 12 na buwan sa website ng travel platform.
Ilan sa mga tinitignan para sa Best of the Best Destiantion award ay ang accomodation, destinasyon, mga dagat, restaurants, at mga leasure activities na puwedeng gawin sa mga lugar.
Ang Travelers’ Choice Award Best of the Best Destination ang pinakamalakung pagkilaka na ibibnibigay ng travel platform sa mga tourist spot.