-- Advertisements --

Kinilala ang Palawan bilang pang-apat sa pinaka trending na destination para sa mga turista sa 2024 Travelers’ Choice Award Best of the Best Destination ng isang sa pinakamalaking travel platform company.

Inilarawan ng The Travelers’ Choice Award ang Palawan na “a slice of heaven” dahil sa exoctic wildlife, magagandang lugar palaisdaan, at magagandang lagoon sa El Nido.

Isa rin sa isinaalang-alang ng mga nagbigay ng review sa lugar ay ang pagiging UNESCO World Heritage Site ng Palawan.

Ayon kay Department of Tourism Secretary Christina Frasco na patunay ang rekognisyon sa Palawan sa hindi lumilipas na ganda ng Palawan.

Malaking tulong din aniya ang parangal para makapukaw ng sa mas marami pang turista para dumayo sa lugar.

Nangunguna naman sa pwesto ang Tokyo sa Japan, na sinundan ng Seoul sa South Korea, at Halong Bay sa Vietnam.

Isang porsyento lamang ng kabuuang listahan ang 25 na kinilalang tourist spots ng travel platform.

Ibinase ang pagbibigay ng parangal sa mga nakolektang reviews ng mga travellers sa loob ng 12 na buwan sa website ng travel platform.

Ilan sa mga tinitignan para sa Best of the Best Destination award ay ang accommodation, destinasyon, mga dagat, restaurants, at mga leisure activities na pwedeng gawin sa mga lugar.

Ang Travelers’ Choice Award Best of the Best Destination ang pinakamalaking pagkilala na ibinibigay ng travel platform sa mga tourist spot.