-- Advertisements --

Sinibak sa pwesto si Palawan Police Provincial Director Police Col. Dionisio Bartolome.

Ito ang kinumpirma ng Police Regional Office 4-B (MIMAROPA) batay sa inilabas na General Order Number 236 na may petsa November 21,2020.

Ayon kay MIMAROPA PNP Spokesperson Lt.Col. Imelda Tolentino, ang pag-relieved sa pwesto kay Bartolome ay para bigyang daan ang imbestigasyon hinggil sa sunud-sunod na insidente ng pamamaril sa lalawigan.

Ang pinakahuling insidente ng pamamaril ay ang nangyaring pamamaslang ay Atty. Eric Jay Magcamit matapos tambangan ng hindi pa rin tukoy na mga suspeks.

Sinabi ni Tolentino, papalit sa pwesto kay Bartolome bilang Provincial Police Director ng Palawan ay si PCol. Nicolas Torre III na siyang kasalukuyang Deputy Regional Director for Operations ng PRO-4-B.

Itinalaga naman ni PRO-4B regional police director BGen. Nicerio Obaob si Torre na pamunuan ang Special Investigation Task Group (SITG) Magcamit.

” The said relief and designation orders issued by the Regional Headquarters were the result of the immediate and appropriate actions of the Regional Headquarters to help lessen the fear of the Palawanos.