-- Advertisements --

Nakuha ng Palawan ang titulong “Best Island in the World”.

Ito ay base sa isinagawang survey ng kilalang travel magazine na Travel+Leisure.

Mayroong 94.83 ang nakuhang puntos ng Palawan para mabawi ang nasabing titulo.

Noong nakaraang taon kasi ay nasa pangalawang puwesto lamang ito na mayroong 90.87 points.

Nagtapos ang survery noong Marso 2 bago ang pagpapatupad ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Nahigitan ng Palawan ang ibang mga sikat na tourist destination gaya ng Greece, Italy, Thailand at Indonesia.