-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Kasabay ng pagdiriwang ng Kalivungan 2022 sa probinsya ng Cotabato nagsagawa ng Rice Industry Summit na kung saan ang ilang mga Irrigators Association at Farmers Cooperative ng bayan ay dumalo kasama si Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman.
Aniya, bilang isang agricultural land ang bayan, malaki ang matututunan ng mga dadalong magsasaka lalo’t mahalaga at importante ang ginagawa ng mga bayaning magsasaka sa usapin ng ilalagay na pagkain sa hapag ng bawat Pilipino.
Paliwanag naman ni Gov. Emmylou Mendoza, ang summit ay may layuning mabigyan ng bagong kaalaman ang mga magsasaka sa lalawigan ganoon din ang pamahalaan o mga BLGU at LGU ng lalawigan.