Kumpiyansa ang National Food Authority na mas tataas pa ang kanilang palay inventory sa mga susunod na buwan.
Kasunod ito ng naging desisyon ng konseho na taasan pa ang buying price ng palay ng naturang kagawaran na inaasahang magreresulta rin sa mas mataas na palay inventory sa loob ng isang buwan.
Sa isang statement sinabi ng NFA Council na dinagdagan pa nito ang procurement price kada kilo ng palay sa halagang Php23 to Php30 para sa clean and dry palay mula sa dating Php19 to Php23.
Habang ang buying price naman para sa fresh and wet palay ay tumaas sa Php17 to Php23 mula sa dating Php16 to Php19 noong Abril 11, 2024.
Ayon sa NFA, ang hakbang na ito ay nakapagbibigay ng daan para sa kanila na makipagkompetensya sa mga private traders para makabuo ng buffer stock.
Bukod dito ay ipinunto rin ng ahensya na mula noong maaprubahan ang mas mataas na buying price para sa palay ay nakabili na ang kagawaran ng dagdag na 2.5 million na bigas mula noong Enero 1, 2024 hanggang Mayo 15, 2024 na sumasalamin naman sa 82.77% ng target na 3.08-million na sako ng palay ng ahensya.
Para kay NFA acting Administrator Larry Lacson, ang bagong price scheme ng palay ngayon ay nagsisilbing game changer para sa kanila.
Gayunpaman ay inihayag pa rin naman niya na patuloy pa rin nilang tinatarget na makamit ang 3.08-million na sako ng palay.