-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority (NFA) na bilhin ang mga aning palay ng mga magsasaka sa risonableng presyo kahit bahagyang lugi pa rito ang gobyerno.

Sa press conference kagabi, sinabi ni Pangulong Duterte na ang nasabing hakbang ay hindi pagsasayang ng pera, bagkus pagtulong ito sa industriya ng pagsasaka.

Ayon kay Pangulong Duterte, handa ang gobyerno na makipagkompromiso sa mga magsasaka basta huwag lamang din mag-demand ng masyadong mataas na presyo ng kanilang palay.

Iginiit pa ni Pangulong Duterte na kaya nga masaya siya kung malaki ang koleksyon sa buwis para magamit sa pagtulong sa pangangailangan lalo ng mga mahihirap.

“What the solution should be or will be for the Secretary of Agriculture to buy all. Magkano ba presyo nila? Magkano presyo nila, bilhin natin. Lugi? Lugi talaga. Are we wasting money? No. We are not wasting an industry. We’re helping an industry. So malugi tayo, eh di malugi,” ani Pangulong Duterte.