BUTUAN CITY – Patuloy pa ang field validation ng mga personahe sa Department of Agriculture o DA-Caraga sa nai-report na pinsala sa mga pagbaha na hatid ng shearline at Low Pressure Area sa rehiyon.
Ayon kay Girlie Antipaso, focal person ng disaster response ng ahensiya, base sa kanilang natanggap na report mula sa mga local government Units nitong rehiyon, ang palay ang nagtala ng pinakamalaking danyos na aabot sa 65-million pesos matapos mapinsala ang 5,076-ektaryang sakahan.
Ang mga magsasaka naman sa lalawigan ng Surigao Del Sur ang siyang matinding na-apektuhan sa malawakang pagbaha.
Sa maisan naman ay may 82-ektarya ang napinsala para sa yellow corn at 65-ektarya naman sa white corn.
Aabot rin sa 12.65-ektarya ang danyos sa iba’t ibang uri ng gulay habang mayroon din sa livestock gaya ng 31,000 na mga manukan.
Habang nakikipag-ugnayan pa ang ahensiya sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Caraga para naman ma-assess ang danyos nanaitala para sa mga apektadong mangingisda.