CENTRAL MINDANAO- Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa mga magulang na nagsasama ng menor de edad sa loob ng palengke o kaya’y nagpapabantay sa mga menor de edad sa kanilang puwesto sa palengke at itoy mariing pinagbabawal.
Ayon kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr ito’y isang paraan upang mapalakas ang kampanya na mailigtas ang mga bulnerableng sektor tulad ng kabataan sa covid-19.
Paliwanag din MHO Dr. Sofronio T, Edu, Jr. ito na rin ay batay sa kanilang napansin na matapos na ibaba sa MGCQ ang estado ng Kabacan ay biglang dumami ang mga kabataang menor de edad sa pamilihang bayan.
Samantala patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga cleared sa bayan sa kanilang mga quarantine.
Abot na sa 1251 ang cleared habang nasa 201 naman ang mga PUM.