-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Nasunog ang palengke ng Malapatan, Sarangani Province kung saan nasa humigit kumulang sa P1 milyon ang pinsala.
Ayon kay Mayor Salway Sumbo ng Malapatan, Sarangani Province na natupok ng apoy ang appliances repair shop, ukay ukayan, computer shop at iba pang mga establismento.
Sa kanyang pahayag na magbibigay sila ng cash assistance at iba pang tulong sa mga biktima.
Nagbabala naman si Mayor Sumbo sa mga mamamayan na mag-ingat upang makaiwas sa sunog.
Nabatid na malapit lang sa palengke ang tanggapan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malapatan na kaagad namang nagresponde sa sunog.