-- Advertisements --

Nagsama-sama ang mga palestinians malapit sa United Nations Relief and Works Agency aid center sa Jabalia upang makatanggap ng tulong matapos na harangin ng Israel ang pagpasok ng aid trucks sa Gaza. 

Hinarang ng Israel ang pagpasok ng lahat ng humanitarian aid sa Gaza dahil hinihiling nito sa Hamas na sumang-ayon sa plano ng Estados Unidos ukol sa pagpapalawig ng ceasefire o tigil-putukan.

Nauna nang sinabi ng tanggapan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na pinagtibay nito ang panukala ni Steve Witkoff, envoy ni US President Donald Trump para sa pansamantalang tigil-putukan sa Gaza ngayong Ramadan at Passover, ilang oras pagkatapos mag-expire ang unang yugto ng naunang napagkasunduan ceasefire. 

Kung mapagkakasunduan, ang tigil-putukan ay ihihinto hanggang sa katapusan ng panahon ng Ramadan fasting period sa Marso 31 at ang Jewish Passover holiday sa Abril 20.