-- Advertisements --
Sumama na ang Palestine sa South Africa na naghain ng aplikasyon sa International Court of Justice (ICJ) para sampahan ng kasong genocide ang Israel.
Ayon sa ICJ o kilala bilang World Court na naghain na ang Palestinian authorities para sumama sa South Africa na sampahan ng genocide ang Israel.
Una ng naghain ang South Africa noong Enero kung saan inakusahan nito ang Israel ng genocide laban sa Palestino na nasa Gaza.
Sa nasabing kaso ay nanawagan ang ICJ na dapat itigil na ng Israel ang pinaigting ng military operation sa Gaza.