-- Advertisements --

Pinapanagot ng Palestinian armed group na Hamas ang Israel sa International community dahil sa karumal-dumal na pang-aabuso sa Tal al-Hawa ang kalapit na bayan ng Gaza City.

Matapos kasi na lumayas ang mga sundalo ng Israel sa lugar ay nadiskubre ng mga Civil Defense ng Gaza ang nasa 60 na bangkay.

Malinaw aniya na ito ay isang uri ng genocide at ethnic cleansing.

Mararapat aniya na gumawa na ng hakbang ang United Nations, International Criminal Court at International Court of Justice para matigil na ang “war of extermination” na ginagawa ng Israel laban sa Palestine.