-- Advertisements --

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Palestine Red Crescent Society (PRCS) sa World Health Organization (WHO) para mailikas ang mga naiipit sa Nasser Hospital sa Khan Younis medical center na inatake ng Israel.

Ayon sa grupo na mayroong 18 mga sugatang indibidwal ang kanilang nailipat sa ibang field hospitals.

Una rito ay ikinabahala ng WHO ang patuloy na military operations ng Israel Defense Forces sa mga pagamutan dahil sa maraming mga pasyente doon ang nadadamay.

Iginiit ng Israel na may sapat silang impormasyon na nagtatago sa mga pagamutan ang mga Hamas kaya nagsagawa sila ng paglusob sa lugar.