-- Advertisements --
PLO saed erakat

Lumalala umano ang kalusugan ni Palestinian chief negotiator Saeb Erakat matapos dapuan ng COVID-19.

Kasalukuyan itong naka-confine sa isang pagamutan sa Tel Aviv, Israel.

Una na itong isinugod sa ospital sa pamamagitan ng stretcher sakay ng Israeli ambulance sa labas ng kanyang bahay sa Jericho sa occupied West Bank.

Ayon sa Palestinian Liberaton Organization (PLO), kailangan ng matinding pangangalaga sa 65-anyos na si Erekat dahil sa sumailalim na ito sa lung transplant noong 2017.

Siya ang pangunahing negotiator ng peace talks sa Israel ng ilang taon.

Noong Oct. 9 ay nagpaabot pa ito nang mensahe nang pasasalamat.


Dr. Saeb Erakat الدكتور صائب عريقات
“I would like to extend my sincere appreciation to every one who called , tweeted , send messages to wish me a speedy recovery from COVID-19 .My thanks
to those who prayed for me in mosques, synagogues, churches and other temples of worship.”